Reflections of Life #2: Musika ng Katahimikan

110403

tumblr_oqportrRY61utpc5vo1_500

Madilim na paligid

Di maabot ng paningin

Malalim na gabi

Di masukat ang hangganan

Nakakabingi… Nakakarindi…

Ang musika ng katahimikang

Sumasaklaw sa bawat espasyong

Bumubuo ng iyong katauhan

Malambing na tinig sa karimlan

Dulot ay pagsusumamo sa kawalan

Indayog ng musika ng katahimikang

Sumasabay sa hinagpis ng pusong sugatan

Itim ang kulay ng di makitang tanglaw

Naupos na sulo’y di na muling sisindi pa

Wari’y bahagharing pinagisa ang kulay

Wari’y mapagbirong tadhana, mapanudyong naglalaro

Pakinggan mo ang musika ng katahimikan

Sabayan mo ang kanyang tugtugin

Makiayon ka sa kanyang ritmo at liriko

Baka sakaling iyo ng maintindihan….

 

Katahimikang sumusukob sa aking kapaligiran…

Disclaimer: Photo from Fukumenkei Noise Manga, one of my favorites.